Ang magiging kaarawan ng tao sa ibabaw ng mundo na matagal ng nakasulat sa Bibliya
Sa kasaysayang Biblikal,si Matusalem na anak ni Enoc ang nagkaroon ng pinakamahabang buhay na kaloob ng Dios.Kung saan nabuhay si Matusalem ng siyam na raan at anim na pu't siyam na taon(Gen.5:27)Pangalawa si Jared na anak ni Mahalaleel,na nabuhay ng siyam na raan at anim na pu't dalawang taon(Gen.5:20)
Sumunod si Noe na anak ni Lamec na nabuhay ng siyam na raan at limang pung taon(Gen.9:29) Pang apat si Adam na kauna-unahang taong nilikha ng Dios sa ibabaw ng lupa na nabuhay ng siyam na raan at tatlong pung taon(Gen.5:5) Panglima si Set na anak ni Adam na nabuhay ng siyam na raan at labing dalawang taon(Gen.5:8) Pang anim si Cainan na anak ni Enos na nabuhay ng siyam na raan at sangpung taon(Gen.5:14) Pang pito si Enos na anak ni Set na nabuhay ng siyam na raan at limang taon(Gen.5:11) Pang walo si Mahalaleel na anak ni Cainan na nabuhay ng walong daan at siyam qwna pu't limang taon(Gen.5:17) Pang siyam si Lamec na anak ni Matusalem na nabuhay ng pitong daan at pitong pu't pitong taon(Gen.5:31) Sila ang mga taong kinalulugdan ng Dios at nakasumpong ng biyaya mula ng lalangin ng Dios ang tao.Sila ang mga unang tao sa kasaysayan ng Bibliya na binasbasan ng Dios upang magpakarami.Sa kagustuhan nga ng Dios na dumami sila,dumating ang pagkakataon na nakita ng mga anak ng Dios na magaganda ang mga anak na babae ng mga tao;at sila'y nangagsikuha ng kanikaniyang asawa sa lahat ng kanilang pinili,at pagkatapos din naman na makasiping ang mga anak ng Dios,sa mga anak na babae ng tao,at mangagkakaanak sila sa kanila,ang mga ito rin ang naging makapangyarihan nang unang panahon na mga lalaking bantog.⁵At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati.
⁶At nagsisi ang Panginoon na kaniyang nilalang ang tao sa lupa, at nalumbay sa kaniyang puso.⁷At sinabi ng Panginoon, Lilipulin ko ang tao na aking nilalang sa ibabaw ng lupa; ang tao at gayon din ang hayop, at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid; sapagka't pinagsisisihan ko na aking nilalang sila.⁸Datapuwa't si Noe ay nakasumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon.(Gen.6:5-8)
At sinabi ng Panginoon kay Noe, Lumulan ka at ang iyong buong sangbahayan sa sasakyan; sapagka't ikaw ay aking nakitang matuwid sa harap ko sa panahong ito.
At may anim na raang taon si Noe nang ang baha ng tubig ay dumagsa sa ibabaw ng lupa.At lumulan sa sasakyan si Noe at ang kaniyang mga anak, at ang kaniyang asawa, at ang mga asawa ng kaniyang mga anak, dahil sa tubig ng baha.Sa ikaanim na raang taon ng buhay ni Noe, nang ikalawang buwan, sa ikalabing pitong araw ng buwan, nang araw ding yaon, ay nangasira ang lahat ng bukal ng lubhang kalaliman, at ang mga durungawan ng langit ay nabuksan.At tumagal ang baha ng apat na pung araw sa ibabaw ng lupa; at lumaki ang tubig at lumutang ang sasakyan, at nataas sa ibabaw ng lupa.At dumagsang lubha ang tubig sa ibabaw ng lupa: at inapawan ang lahat na mataas na bundok na nasa silong ng buong langit.Labing limang siko ang lalim na idinagsa ng tubig; at inapawan ang mga bundok.
At namatay ang lahat ng lamang gumagalaw sa ibabaw ng lupa, ang mga ibon at gayon din ang hayop, at ang hayop gubat, at ang bawa't nagsisiusad na umuusad sa ibabaw ng lupa, at ang bawa't tao.Ang bawa't may hinga ng diwa ng buhay sa kanilang ilong, lahat na nasa lupang tuyo ay namatay.At tumagal ang tubig sa ibabaw ng lupa, ng isang daan at limang pung araw.At naalaala ng Dios si Noe, at ang lahat ng may buhay, at ang lahat ng hayop na kasama niya sa sasakyan: at nagpahihip ang Dios ng isang hangin sa ibabaw ng lupa, at humupa ang tubig;At nang ikalawang buwan nang ikadalawang pu't pitong araw ng buwan, ay natuyo ang lupa.At nagsalita ang Dios kay Noe, na sinasabi,Lumunsad ka sa sasakyan, ikaw at ang iyong asawa, at ang iyong mga anak, at ang mga asawa ng iyong mga anak Ilabas mong kasama mo ang bawa't may buhay na kasama mo sa lahat ng laman, ang mga ibon, at ang mga hayop, at ang bawa't nagsisiusad na umuusad sa ibabaw ng lupa; upang magsipanganak ng sagana sa lupa, at magpalaanakin, at mangagsidami sa ibabaw ng lupa.At binasbasan ng Dios si Noe at ang kaniyang mga anak, at sa kanila'y sinabi, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami at inyong kalatan ang lupa.
Nagsisi man at nalumbay ang Dios sa naging kasalanan ng mga tao sa mundo ng dumami ang mga ito,sa isang kaluluwang nasumpungan ng Dios na matuwid at sakdal,muling nagkaroon ng pagkakataon ang tao upang maramdamang muli ang awa at pagmamahal ng Dios sa ibabaw ng lupa.Kahit na alam ng Dios na ang tao magkakamali at magkakasala ng paulit-ulit,hindi ito dahilan upang lipulin niya ang tao sa mundo.Bakit ko nasabi?Dahil ang Dios ay pag ibig,lubhang mapagmahal.Dahil akalain mo?Dumami ang mga tao sa panahon ni Noe at naging mabigat ang kasamaan nito sa lupa.Pero dahil lang sa isa..ISANG taong matuwid,at sakdal na Kaniyang nasumpungan,at si Noe nga yun,ang tao nagkaroon ng muling pagkakataon upang dumami at makatanggap ng biyaya muli galing sa Dios.Subalit hindi na ganun ka haba ang mga araw na inilalagi ng tao sa ibabaw ng lupa pagkatapos ng bahang gumunaw sa lahat ng mga may buhay sa panahon ni Noe.Matapos ang bahang gumunaw sa ibabaw ng lupa,nagkaroon ng siyam na raan at limang pung taon si Noe,at namatay.Nabuhay si Sem na anak ni Noe ng limang daang taon(500),at nagkaanak ng babae at lalake.Nabuhay si Arphaxad na anak ni Sem ng apat na raan at tatlong taon(403),at nagkaanak ng babae at lalake.Nabuhay naman si Sala na anak ni Arphaxad ng apat na raan at tatlong taon(403)at nagkaanak ng babae at lalake.Nabuhay naman si Heber na anak ni Sala ng apat na raan at tatlong pung taon(430),at nagkaanak ng babae at lalake.Nabuhay naman si Peleg na anak ni Heber ng dalawang daan at siyam na taon(209),at nagkaanak ng babae at lalake.Nabuhay naman si Reu na anak ni Peleg ng dalawang daan at pitong taon(207)at nagkaanak ng babae at lalake.At nabuhay si Serug na anak ni Reu ng dalawang daang taon(200)at nagkaanak ng babae at lalake.Nabuhay si Nachor na anak ni Serug ng isang daan at labing siyam na taon(119)at nagkaanak ng babae at lalake.At nabuhay si Thare na anak ni Nachor ng dalawang daan at limang taon(205).At ito nga ang mga lahi ni Thare,naging anak ni Thare si Abram,si Nachor,at si Haran,at naging anak ni Haran si Lot.Ngunit namatay si Haran bago namatay ang kanyang amang si Thare.At ito ang mga araw ng mga taon ng buhay na ikinabuhay ni Abraham, isang daan at pitong pu't limang taon(175).At nalagot ang hininga ni Abraham at namatay sa mabuting katandaan, matanda at puspos ng mga taon; at nalakip sa kaniyang bayan.At ang mga naging araw ni Isaac ay isang daan at walong pung taon(180).Sa gayo'y namatay si Jose na may isang daan at sangpung taon(110): at kanilang inembalsama siya, at siya'y inilagay sa isang kabaong sa Egipto.Si Jose ang naging anak ni Jacob kay Raquel.Minamahal nga ni Israel(Jacob) si Jose ng higit kay sa lahat niyang anak, sapagka't siya ang anak ng kaniyang katandaan: at siya'y iginawa ng isang tunika na may sarisaring kulay.(Gen.37:3)
Sila ang mga taong kinalulugdan ng Dios sa iba't ibang panahon ng sangkatauhan.At totoong pinagpapala,ganun pa man hindi na naging kasing haba ang mga araw ng tao sa mundo tulad ng naging mga araw nito bago pa man dumating ang bahang gumunaw sa ibabaw ng lupa.At bago pa man nangyaring ang mga araw ng tao na mabubuhay sa mundo ay paiksi ng paiksi,sinabi na ito ng Dios ng magsimulang dumami ng husto ang tao sa panahon ng mga lahi ni Adam,na naging mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa.At sinabi ng Panginoon, Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man, sapagka't siya ma'y laman: gayon ma'y magiging isang daan at dalawang pung taon ang kaniyang mga araw.
(Genesis 6:3)
Kaya naman sa kasaysayang biblikal,mapapansin natin kung paanong ang mga kaarawan ng tao sa lupa ay hindi na ganun ka haba gaya nang pasimula.At ito ang naging katuparan sa mga kaarawan ng tao sa panahong kasalukuyan.
Comments
Post a Comment